Tuesday, July 21, 2009

Pilipino Star Ngayon on Aljur Abrenica

Aljur sinundan ng tunay na GF sa Bohol
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Updated July 21, 2009 12:00 AM

Bukas, Wednesday ang balik nina Kris Bernal at Aljur Abrenica from Bohol kung saan sila nag-shooting ng I’ll Be Waiting For You ng Regal Entertainment. Napakaraming balita ng shooting sa Bohol, hindi lang ang sobrang PDA ng dalawa na ikina-turn off daw ng mga Boholanos at ang sunud-sunod na isyu kay Baron Geisler.

May tsika ring dumating sa Bohol si Rich Asun­cion (na taga-Bohol talaga) at nakita silang magka­sama ni Aljur sa isang restaurant. Alam kaya ito ni Kris? Paano nakawala sa kanya si Aljur at ano ang naging paalam?

Tinanong namin si Kris kung nai-insecure siya kay Rich dahil kahit siya ang official loveteam ni Aljur, si Rich naman daw ang real girlfriend ng actor?

Naalala naming matagal sumagot ng “hindi ako nai-insecure sa kanya” si Kris at sa follow-up question namin kung friends sila, “hindi” rin ang sagot nito.

“Pero ’pag nagki­kita kami, nagku­ku­mustahan naman kami,” bawi ni Kris.

Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=488684&publicationSubCategoryId=96

Share/Save/Bookmark

No comments:

Post a Comment

For live updates on Philippine tv click on the channel you want to watch.

Ride the Tide and Read